SAPUL SA CCTV: Pagnanakaw ng cellphone sa shop sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 10:15 AM

Watch also in iWantTFC

Huli sa CCTV ang nangyaring pagnanakaw sa cellphone ng isang empleyado ng isang motorcycle shop sa Bacolod City.

Mapapanood sa video na pumasok sa shop ang isang lalaking nakasuot ng puting t-shirt.

Umupo ito na parang customer na naghihintay ng store representative. Maya-maya, tumayo siya at saglit na nakiusyoso sa ilang bumibili ng motor, saka tinangay ang cellphone na nasa mesa.

Sabi ng isang empleyado, abala sila ng mga oras na iyun kaya hindi nila napansin ang lalaking tumangay ng cellphone na pag-aari ng officer-in-charge ng shop.

Agad nilang idinulog sa pulis ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon dito para matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Umagang kay Ganda, 9 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.