'Marijuana candy', binabantayan na ng PDEA

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 09:19 AM

Watch also in iWantTFC

Binabantayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas ang mga candy na ibinebenta sa mga tindahan malapit umano sa mga paaralan. 

Ito'y matapos maaresto ang 2 lalaki na naghahalo umano ng marijuana sa mga candy sa Laguna.

Ayon sa PDEA Region VII, may posibilidad na nakarating na ang mga ganitong uri ng candy sa Cebu at iba pang lugar sa rehiyon.

Madali naman umanong kilatisin ang mga candy na may halong marijuana sa pamamagitan ng pagtingin sa pambalot o wrapper nito na mas makapal at hugis parisukat.

Dagdag pa ng PDEA, maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga bata kapag nakabili at kumain sila ng ganitong candy.

Umagang kay Ganda, 9 August 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.