Dating tanod na umano’y drug user, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 10:11 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang isa umanong drug user matapos barilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City.

Bumulagta sa harap ng kanyang bahay sa Phase 1, Package 1 ng Barangay 176 sa Caloocan ang 50-anyos na si Augusto "Ogie" Teleg, bandang alas-8:30 kagabi.

May tama siya ng bala sa ulo, pero walang nakakita ng mismong pamamaril sa kanya.

"May nagsabi sa akin nakamotor daw. Yun lang. Dalawa daw, nakamotor. Pagkatapos barilin to may nakakita tumakbo na, umalis na,” pahayag ni purok leader, Salvador Galoso.

Nagtatrabaho noon sa barangay ang biktima pero nawala sa serbisyo dahil sa paggamit umano ng droga.

“Dati kong tanod yan. Kaya lang tinanggal ko siya dahil pina-rehab mismo ng asawa. Six months, bumalik siya rito ang taba-taba, biglang namayat naman,” dagdag pa ni Galoso.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Caloocan Police hinggil sa pamamaril.

Umagang kay Ganda, 9 August 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.