3 arestado sa pagbebenta ng pekeng sabon

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 09:31 AM

Watch also in iWantTFC

Timbog ang 3 lalaki na nagbebenta umano ng pekeng sabon sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruel Asis at ang mag tiyuhing Marlon at Anthony Salire.

Nakuha sa bahay ni Asis ang 6 na kahon na naglalaman ng 162 piraso sabon.

Kinumpirma naman ng opisyal na distributor ng produkto na peke nga ang sabon na nakuha sa mga suspek.

Kuwento ni Marlon, kinuha nila ang mga kahon sa isang warehouse sa Pili sa halagang P720 bawat kahon. Kanila naman itong ibebenta ng P1,500.

Ibinabagsak umano ito sa ilang mga tindahan sa bayan.

Umagang kay Ganda, 9 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.