Lolang mangangalakal, isinauli ang nakitang P165,000

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2016 09:37 AM

Watch also in iWantTFC

Nagpamalas ng katapatan ang isang lolang mangangalakal sa Tayug, Pangasinan nang ibalik ang isang bag na naglalaman ng P165,000.

Nakita ni Maria "Loleng" Lozano ang itim na bag sa basurahan.

Agad niyang ibinigay ang pera sa dating kapitan ng barangay.

Ayon sa pulisya, koleksyon sa isang kooperatiba sa bayan ang napulot na pera. Biyernes pa nang madiskubreng nawawala ito.

Sa barong-barong lang nakatira si Lozano at tanging pangangalakal lang ang kanyang ikinabubuhay.

Umagang Kay Ganda, 9 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.