2 patay sa Makati; mukha binalutan ng packing tape

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2016 09:15 AM

Watch also in iWantTFC

Natagpuan ang bangkay ng dalawang hinihinalang biktima ng summary execution sa magkahiwalay na lugar sa Makati, Martes.

Kapwa nakagapos ang mga kamay ng dalawang lalaking biktima na binalutan din ng packing tape ang mukha.

Halos magkatugma ang mga nakasaad sa karatulang iniwan sa kanilang tabi, na nagsasabing tulak-droga at magnanakaw umano sila.

Nasa limang minuto lang ang pagitan nang matagpuan ang dalawang bangkay sa magkahiwalay na lugar sa Barangay West Rembo at Barangay East Rembo.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung iisa lang ang nasa likod ng krimen.

Umagang Kay Ganda, 9 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.