PatrolPH

Ilang kalsada sa Valenzuela, Malabon binaha dahil sa malakas na ulan

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2022 07:55 AM

Watch more News on iWantTFC

Nakaranas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila, kaninang hatinggabi.

Dahil diyan, binaha ang ilang kalsada sa Malabon at Valenzuela kaninang madaling araw.

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News, nasa 2-3 pulgadang ang baha sa bahagi ng G. Lazaro cor Dalandanan habang gutter deep ang baha sa bahagi ng Arkong Bato kanto ng Mh del pilar at M. urrutia street.

Nadadaanan pa ito ng kahit anong uri ng sasakyan.

Sa Malabon, may naipon na ring baha sa ilang bahagi ng M. H. del Pilar malapit sa kanilang public market. Pero humupa na rin dakong alas kwatro ng madaling araw.

Paalala rin sa mga Kapamilya, iwasan ang paglusong sa baha para hindi makakuha ng mga sakit gaya ng leptospirosis. Kung lulusong man magsuot ng bota o agad maghugas ng mga paa, at maaaring magtungo sa mga local health centers sa inyong lugar para makakuha ng gamot kontra leptospirosis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.