PatrolPH

Babae ninakawan ng cellphone sa bus sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2022 08:02 AM

Watch more News on iWantTFC

Ingat, Kapamilya! Isang babae ang nawalan ng cellphone matapos hablutin ng isang suspek sa loob ng bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City. 

Kwento ng biktima, huminto ang sinasakyan niyang bus para magsakay ng pasahero sa tapat ng Sandiganbayan nang bigla na lang may humablot ng cellphone niya mula sa labas. Tinalon umano ng suspek ang kanyang telepono kaya naabot ito

Sinubukan ng biktima na habulin ang suspek pero mabilis umano itong nakatakbo sa isang eskinita sa lugar

Sinuyod ng mga barangay officials ang lugar pero di na nila nakita ang suspek.

Natatakot ngayon ang biktima na magamit sa panloloko ang ninakaw na cellphone lalo’t nagtatrabaho siya bilang social worker sa isang ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.