Tricycle driver, pinatay ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 09:21 AM

Watch also in iWantTFC

Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ang isang tricycle driver sa boundary ng Maynila at Quezon City, Lunes ng gabi.

Hindi pa rin makapaniwala si Consuelo Flores sa sinapit ng kanyang apo sa tuhod na si Francisco Iluna, alyas "Intsik".

Dead on the spot si Iluna matapos pagbabarilin sa boundary ng Barangay 527 sa Maynila at Barangay Don Manuel sa Quezon City pasado alas-7 ng gabi.
 
Aminado si Consuelo na dating gumagamit ng droga ang apo.

Pero hindi agad nai-proseso at naimbestigahan ang krimen dahil nagkalituhan kung aling estasyon ng pulisya ang may sakop sa crime scene.

Natagpuan ang bangkay sa boundary ng Maynila at QC.

Sa huli, napagdesisyunan ng awtoridad na QCPD ang may sakop sa kaso. Makalipas ang halos 7 oras, bumalik ang Scene of the Crime Operatives at imbestigador mula QCPD at saka pa lang naproseso ang crime scene.

Tuloy naman ang imbestigasyon sa kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.