Babae, sugatan nang saksakin at tangkang gahasain ng kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 10:07 AM

Watch also in iWantTFC

Sugatan ang isang babae matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Vigan City.

Kuwento ng 22-anyos na biktima, hindi niya nai-lock ang pinto ng kanyang kuwarto, madaling araw ng Sabado nang biglang pumasok ang suspek na si Wendell Aliacaden at tinangka siyang gahasain.

Nakatakbo ang biktima palabas ng kuwarto pero nadapa siya at naabutan ng suspek at at inundayan ng saksak sa binti at kamay.

Nahuli naman ang suspek sa hot pursuit operations ng awtoridad.

Aminado siyang nakainom nang mangyari ang pananaksak at tangkang pang-gagahasa at hindi umano matandaan ang kanyang ginawa.

Desidido naman ang biktima na kasuhan ang kapitbahay.

Umagang kay Ganda, 8 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.