60 pamilya nasunugan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 09:19 AM

Watch also in iWantTFC

Nasunog ang aabot sa 30 bahay sa Sitio San Roque na sakop ng Barangay Bagong Pag-asa sa lungsod Quezon kagabi.

Nasa 60 pamilya ang apektado ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-QC, nagsimula ang apoy sa dalawang palapag na bahay ng isang Janet Camora.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog.

Mabilis kumalat ang apoy at nadamay ang magkakatabing mga bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Tinatayang aabot sa P400,000 ang halaga ng naabong ari-arian.

Pansamantala namang nananatili sa basketball court ng Sitio San Roque ang mga nasunugan. - Umagang kay Ganda, 8 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.