10 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2016 10:37 AM

Watch also in iWantTFC

Sampung pasahero ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang bus sa bahagi ng Quezon Avenue Flyover sa EDSA-northbound, Lunes.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumangga sa likurang bahagi ng Yohan's Express bus ang unit ng Bovgen Transport Services.

Tumakas ang hindi pa nakikilalang drayber ng Bovgen bus.

DZMM TeleRadyo, 8 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.