PatrolPH

Ilang magulang pinababakunahan ang mga anak bago ang face-to-face classes

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2022 07:46 PM

Watch more News on iWantTFC

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalagang mapaghandaan ang pagsisimula ng face-to-face classes. Bukod sa kaligtasan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbabakuna at booster shot, makatutulong umano ang muling pagbubukas ng klase sa mga negosyo at iba pang sektor ng lipunan na maibangon ang ekonomiyang pinadapa ng COVID-19 pandemic. Pinababakunahan naman na ng ilang magulang ang kanilang mga anak bilang paghahanda sa face-to-face classes. Nagpa-Patrol, Katrina Domingo. TV Patrol, Linggo, 7 Agosto 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.