Malakanyang, 'di makikialam sa kaso ni Quiboloy sa US

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2018 09:33 AM | Updated as of Aug 07 2018 09:47 AM

Watch also in iWantTFC

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang Malakanyang sa kaso ng Kingdom of Jesus Christ Pastor na si Apollo Quiboloy na nagtangkang magpuslit ng daan-daang libong dolyar palabas ng Hawaii na natuklasan sa loob ng kaniyang pribadong jet plane noong Pebrero.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang ilalabas na pahayag ang Malakanyang sa kontrobersiya na kinasasangkutan ni Quiboloy na isang malapit na kaibigan ng pangulo.

Dagdag pa ni Roque na pribadong mamamayan si Quiboloy at kaya nitong ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Sa isang pahayagan sa Hawaii, napabalitang nakasuhan na ang isang Felina Salinas dahil sa tangkang pagpupuslit ng $335,000 at 9,000 Australian dollars noong Pebrero.

Ang pera ay pag-aari umano ni Quiboloy.

Kinasuhan si Salinas dahil sa pagtulong nito para hindi maaresto at makasuhan si Quiboloy.

Hindi naman muna nagbigay ng pahayag ang abugado ni Quiboloy. - DZMM, 7 August 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.