PatrolPH

PANOORIN: Lalaki, bahay tinangay ng baha sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2022 12:54 AM

Watch more News on iWantTFC

Kuha ni Bruce Contratista

Nagpapatuloy ang rescue operation ngayon para sa isang lalaking natangay ng rumaragasang tubig sa Kinalumsan River, Brgy. Mambaling, Cebu City.

Sa video ni Bruce Contratista, natangay sa malakas na agos ng tubig ang isang bahay at isang lalaki.

Umapaw na umano ang tubig sa Kinalumsan kaya naabutan ng tubig ang mga bahay sa gilid nito.

Nagtutulungan ang BFP at CDRRMO sa rescue operations. 

Patuloy na maulan ang malaking bahagi ng Cebu dahilan ng mga pagbaha.—Ulat ni RC Dalaguit De Vela

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.