PatrolPH

Mag-ina tiklo sa carnapping matapos umano di makabayad ng motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2022 07:37 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Arestado ang isang mag-ina matapos ireklamo ng carnapping ng isang motorcycle dealer sa Quezon City.

Dahil kumuha ng motorsiklo bago mag pandemya, hindi na umano sila nakakabayad buwan-buwan nito.

Kinasuhan umano sila ng kumpanya ng motorsiklo. Lumabas ang warrant laban sa kanila at agad silang inaresto nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, nang ireklamo ng kumpanya, hindi nakaka-attend ng hearing ang dalawa.

Itinakbo na umano ng ka-live-in ng anak ang motorsiklo at di siya mahanap ngayon.

Tinitignan naman ng mga awtoridad ang posibilidad na “carnap me” modus ito, kung saan kukuha ng motorsiklo ang isang suspek at idedeklarang carnap o kaya naman bago isauli, chop-chop na o napalitan na ang mga orihinal na piyesa ng sasakyan.

Ayon sa pulisya, naka-depende na ngayon sa korte at kumpanya ng motor ang kahihinatnan ng dalawa, kung makikipag-areglo sila o tuluyang kakasuhan ang mag-ina.

Halagang P300,000 na piyansa ang itinakda sa kanila.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.