PatrolPH

Ilang lugar sa QC inilagay sa special concern lockdown

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2021 06:54 AM

Watch more on iWantTFC

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID 19, may mga lugar muli sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown kamakailan.

Sa impormasyon mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod, umakyat na sa 24 ang mga lugar na naka-lockdown matapos malagay sa nasabing klasipkasyon ang mga sumusunod simula ngayong Agosto:

  • Isang compound sa Cordillera Street, Barangay Doña Aurora; 
  • Isang lugar sa Bagong Buhay St, Barangay Santo Niño; at
  • Isang compound sa Barangay Kaligayahan.

Magtatagal ng 14 na araw ang lockdown sa bawat lugar. 

Partikular na lugar lamang ang sakop ng special concern lockdown at hindi ang buong barangay. 

Lahat ng mga apektadong residente ay bibigyan ng food packs at essential kits habang naka-lockdown, at isasailalim rin sila sa swab testing.

July 22 nang mag-umpisa muling magpatupad ng special concern lockdown ang LGU para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling tala ng QC epidemiology and surveillance unit, nasa 3,222 ang aktibong kaso sa lungsod, matapos madagdagan ng 150 active cases noong martes. 

Tuloy tuloy naman ang pagbabakuna sa lungsod kung saang nasa mahigit 1.5 milyon na ang nabakunahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.