PatrolPH

Mga gumagawa ng sapatos sa Marikina, umaasang gaganda ang bentahan

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2022 09:04 AM

Watch more News on iWantTFC

Simula nang lumakas ang bentahan ng sapatos dito sa Marikina.

Kapag sinabi kasing Marikina shoes, subok nang mura at matibay ito kaya isa ito sa mga dinarayo ng mga mamimili.

Masaya ang mga gumagawa ng sapatos sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon sa mga gumagawa nito malaking tulong ang pagbabalik ng face-to-face classes para marami ang bumili ng mga sapatos.

Samantala, patuloy naman ang pagbigay ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa mga apektadong magsasapatos, lalo at marami ang nagsara na mga pagawaan.

Ayon kay Marikina Councilor Cloyd Casimiro, chairman ng Committee on Footwear and Leather Craft Industry, simula March 2020, mayroong 152 na pagawaan ng sapatos sa Marikina pero ngayong nasa 110 na lang ito dahil sa epekto ng pandemya.

Isa sa mga tulong ang pagbibigay ng insentibo sa mga namumuhuan at tax exemption o tax amnesty sa mga mga magsasapatos.

May mga shoe bazaar din na inuorganisa ang lokal na pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.