Mga manggagawa, patuloy na nananawagan ng ayuda mula sa gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 04:17 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA – Ngayon pa lang ay umpisa na ang kalbaryo ng mga manggagawa sa mga industriya ng food, service at accommodation kahit hindi pa ipinapatupad ang pinakamahigpit na lockdown sa Metro Manila, ayon kay Defend Jobs spokesperson Lloyd Magsoy ngayong Martes.

Ani Magsoy, patuloy silang nananawagan ng ayuda mula sa gobyerno para sa mga manggagawang apektado ng mas mahigpit na lockdown sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang ipinagbawal ang dine-in at al fresco dining sa mga restawran simula nitong Sabado, Hulyo 31, para mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.

Isasailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.