PAGCOR itinanggi ang umano'y konstruksiyon ng casino sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 12:04 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Pinabulaanan ni chairperson Andrea Domingo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang balitang tuloy ang konstruksiyon ng isang casino sa Boracay.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Domingo na sumusunod sila sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang casino sa Boracay kaya ikinagulat nila ang naging pahayag ng Leisure and Resorts World Corporation na "on track" pa rin ang pagbubukas nila ng casino sa isla.

Giit ni Domingo, bagama't may provisional license ang LRWC, naka- freeze aniya ito dahil hindi ito aprubado ng pangulo. DZMM, 31 July 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.