Home > News Ilang estudyante nagkampo sa UP-Diliman para sa entrance test application ABS-CBN News Posted at Jul 31 2018 09:04 AM | Updated as of Aug 07 2019 12:40 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC Puyat. Gutom. Masamang panahon. Kabilang ang mga ito sa sinuong ng ilang senior high school students mula sa mga pampublikong paaralan na nagkampo sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City mula Lunes ng gabi para mauna sa pila ng entrance test application. Ngayong Martes ang unang araw ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) application para sa public school students, habang sa Agosto 3 ang deadline. Nagsara naman nitong Lunes ang UPCAT application para sa private school students sa Metro Manila. Bahagyang nagkaroon ng tulakan at siksikan ang pila kahapon. Pila para sa UPCAT application nagkatensiyon Dakong alas-8 Martes ng umaga, umabot na sa halos kalahating kilometro ang pila. Ayon sa ilang aplikante, mas gusto nilang personal na isumite ang kanilang application form dahil mas mabilis umano ang proseso kumpara kung ipapa-courier nila ito. Nais rin aniyang nilang maranasan kung papaano mag-ayos ng mga papeles para sa kolehiyo. May pila rin ngayon para sa mga estudyante mula sa private schools na pumila na kahapon pero hindi umabot sa cut-off o kaya'y may kulang na requirements. Nilinaw naman ni UP vice president public affairs Dr. Jose Dalisay Jr. na hindi kailangang personal na isumite ang aplikasyon sa admissions office. Maaari aniyang ihulog na lang ito dropbox o ipa-mail courier para maiwasan ang dagsa ng mga tao ulad ng nangyari Martes ng umaga, kung kailan may inatake sa puso, tumaas ang presyon at hinimatay. Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Free tuition entices record number of UPCAT applicants Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Share on Twitter LinkedIn DZMM, tagalog news, education, University of the Philippines, UP Diliman, UPCAT Read More: DZMM tagalog news education University of the Philippines UP Diliman UPCAT