Bilang ng aplikante sa UPCAT, posibleng umabot sa 150,000 ngayong taon

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 02:37 AM | Updated as of Aug 07 2019 12:28 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dinumog ng mga estudyante mula sa mga pribadong eskuwelahan sa Metro Manila kanina ang huling araw ng application para sa UP College Admission Test o UPCAT. Sa tantiya ng UP, aabot sa mahigit 150,000 ang bilang ng mga aplikante ngayong taon. Marami ang humabol sa deadline. Pero dahil sa siksikan kanina, marami ang hinimatay sa pila. I-Bandila mo, Mike Navallo. - Bandila, Lunes, 30 Hulyo, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.