Parojinog, ikatlong alkaldeng napatay sa 'Oplan Double Barrel' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Parojinog, ikatlong alkaldeng napatay sa 'Oplan Double Barrel'

Parojinog, ikatlong alkaldeng napatay sa 'Oplan Double Barrel'

ABS-CBN News

Clipboard

Parojinog, ikatlong alkaldeng napatay sa 'Oplan Double Barrel'
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dekada 90 nang pumasok si Ozamiz City Mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog Sr. sa pulitika bilang barangay chairman ng San Roque sa Ozamiz noong 1997.

Sa sumunod na taon, nahalal siyang konsehal ng Ozamiz.

Noong 2001, naupo na siyang alkalde ng lungsod. Muli siyang naging alkalde noong 2013.

Naging vice mayor niya ang anak na si Nova Princess at first councilor ng Ozamiz ang nakababatang kapatid na si Ricardo.

ADVERTISEMENT

May iba pa silang mga kaanak na naupo sa iba-ibang puwesto sa gobyerno.

Pero noong nakaraang taon, nang maupo sa puwesto ni Pangulong Duterte, pinangalanan niya ang mga pulitikong umano'y sangkot sa ilegal na droga.

Pasok sa kaniyang listahan ang mga Parojinog ng Ozamiz.

Inutos ng Pangulo na tanggalan ng security detail ang mga nasa 'narco-list' niya.

Isinuko agad ng mga Parojinog ang kanilang mga matataas na kalibreng baril.

Pero hindi kumbinsido ang pulisya. Ayon sa tagapagsalita ng PNP Northern Mindanao na si Supt. Lemuel Gonda, may natatanggap silang impormasyon na may mga hindi pa isinusukong baril ang mga Parojinog.

Kahit tinanggalan ng PNP at Army security detail ang pamilya Parojinog, ginamit umano nilang security guard ang barangay peacekeepers. Dagdag ni Gonda, inarmasan ang peacekeepers kahit bawal.

Iyon ang dahilan ng pagsalakay sa mga tirahan ng mga Parojinog na humantong sa madugong wakas.

Si Parojinog ang ikatlong mayor na napatay ng mga pulis habang umiiral ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.

Oktubre 2016, kabilang sa napatay sa shootout sa North Cotabato si Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudin Dimaukom na isinasangkot din umano sa droga.

Nobyembre 2016 nang mapatay sa loob ng kulungan sa Baybay sub-provincial jail si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sabi ni Gonda, walang pinipili ang 'Oplan Double Barrel' kahit pa malalaking opisyal ng gobyerno o kilalang personalidad.

Pero giit ng Malacañang, walang kinalaman ang Pangulo sa pagpatay kay Parojinog.

Bukas din ang Palasyo na maimbestigahan ang nangyari.

-- Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.