Lagay ng bihag na si Fr. Chito Suganob, hindi makumpirma

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 12:27 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Lumiliit pang lalo ang ginagalawan ng mga terorista na ngayo'y nakikipagbakbakan sa militar sa dalawang barangay na lang sa Marawi. Pero hindi makumpirma ng militar ang ulat na namatay na ang natitirang lider ng mga terorista na si Abdullah Maute. Wala ring impormasyon ang militar kung nasaan na ang binihag na si Fr. Chito Suganob. Sa huling tala, umakyat na sa 114 ang bilang ng sundalong nasawi sa sigalot. Nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Lunes, 31 Hulyo 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.