PatrolPH

SAPUL SA CCTV: Takip ng kanal, ninakaw at isinakay sa taxi

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2021 08:55 AM

Watch more on iWantTFC

Pinaiimbestigahan na ng Brgy. 138 sa Caloocan ang insidente kung saan ninakaw ang dalawang takip ng kanal doon.

Nahuli sa CCTV ang mismong pagnanakaw.

Dalawang lalaki ang nag-angat ng bakal, at isinakay ito sa taxi.

Dismayado ang mga tauhan ng barangay at sinabing mahirap talaga ang buhay dahil pati takip ng kanal ay ninanakaw pa.

Hindi pa tukoy kung sino ang nasa likod nito, at posible umanong ibinenta na ito.

Delikado sa mga tao ang pangyayari dahil maulan pa naman ngayon at posiblebg mahulog ang mga tao.

Nilagyan na muna ng warning ang mga tao doon na mag-ingat.

ABS-CBN TeleRadyo, July 30, 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.