Napatay na Ozamiz mayor, tinukoy noon ni Duterte na 'narco-politician'

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2017 10:30 PM | Updated as of Jul 31 2017 03:20 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Isa sa mga kontrobersiyal na opisyal ng lokal na pamahalaan ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog. Noong Agosto, pinangalan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga tinaguriang 'narco-politician' sa bansa.

Nitong Disyembre lang, tinanggap ni Parojinog si Chief Inspector Jovie Espenido bilang bagong hepe ng Ozamiz City Police. Si Espenido ang hepe ng Albuera Police sa Leyte na umaresto kay Mayor Rolando Espinosa, Sr. na isinasangkot sa droga at armas. Kinalaunan, napatay si Espinosa habang nasa loob ng kaniyang selda sa Leyte. Nagpa-Patrol, Rod Bolivar. TV Patrol, Linggo, Hulyo 30, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.