Arestadong Ozamiz vice mayor, iginiit na 'itinanim' ng pulis ang drogang nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2017 09:55 PM | Updated as of Jul 30 2017 10:57 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang alkalde ng Ozamiz City, kaniyang asawa, at 13 iba pa matapos ang isinagawang sunod-sunod na raid sa lungsod nitong Linggo, Hulyo 30.

Arestado rin si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echaves. Nasamsam sa kaniyang bahay ang mga baril, pera at shabu. 

Pero nagalit sa mga pulis ang bise alkalde at sinabing 'itinanim' lang daw ng mga pulis ang nasabat na kontrabando. Sabi pa niya, pulis din ang pumutol sa kable ng kanilang CCTV para hindi umano makunan ang isinagawang raid. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Linggo, Hulyo 30, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.