PatrolPH

Lalaking nasa lamay, nasawi matapos matabunan ng lupa sa Mountain Province

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2022 08:37 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Isang lalaking nasa lamay ang patay matapos matabunan ng lupa sa bayan ng Bauko, Mountain Province, Huwebes ng hapon.

Sa report ng PDRRMO, bandang alas-10 ng umaga ay nasa lamay sa Sitio Boga sa Brgy. Monamon Sur si Andres Sagayo, 59, nang magka-landslide at matabunan siya.

Pinangunahan ng PNP at AFP ang rescue operation para kay Sagayo, na tumagal ng isa at kalahating oras.

Nang mahukay ang biktima ay dinala ito sa ospital sa Benguet, pero idineklara rin siyang dead on arrival. - Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.