Suspek sa pagpatay sa siklista, walang permit to carry

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2016 11:06 AM

Watch also in iWantTFC

Armed and dangerous. Ito ngayon ang turing kay Army reservist Von Martin Tanto, ang suspek sa pagpatay sa siklista na si Mark Vincent Geralde, matapos mapag-alaman na wala siyang permit to carry ng tatlong lisensiyadong baril.

Muling nanawagan si Senior Superintendent Joel Napoleon Coronel ng Manila Police District na payapang sumuko na si Tanto dahil nag-aalala na rin ang kanyang pamilya.

Aniya, maaaring mapahamak si Tanto kung manlaban siya sa mga awtoridad.

Si Tanto ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Geralde matapos ang isang alitan dahil sa trapiko sa P. Casal, Quiapo, Maynila noong Lunes.

Bumisita kamakailan si Mayor Oscar Malapitan at Public Attorney's Office chief Persida Acosta sa burol ni Geralde.

Nag-alok na ng P100,000 na pabuya ang opisina ni Mayor Joseph Estrada para mahuli si Tanto.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, July 29, 2016