Nasa 1,600 katao stranded pa rin sa Rizal Memorial

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2020 10:07 AM | Updated as of Jul 28 2020 10:40 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Nasa 1,600 katao ang stranded pa rin sa Rizal Memorial Sports Complex at naghihintay ng masasakyan pauwi sa kanilang probinsiya nitong Martes.

Makakaalis ngayong Martes ang mga residenteng pabalik ng Caraga region habang ang mga nais umuwi sa Zamboanga ay maaaring sa Miyerkoles o Huwebes pa makabiyahe dahil pabalik pa lang ang barko nila mula sa ibang probinsiya.

Patuloy ang rapid testing sa baseball stadium habang ayon sa mga residente ay sapat naman ang pagkain at supplies na kanilang nakukuha.

Karamihan ay pumuwesto sa bandang itaas ng stadiums upang umiwas sa buhos ng ulan o matinding init tuwing tanghali.

Nasa 8,000 locally stranded individuals o LSIs ang pumunta sa sports complex noong Biyernes para sa Hatid Tulong program o libreng sakay ng gobyerno.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.