Dating pulis-Maynila patay sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2016 08:57 AM

Watch also in iWantTFC

Napatay ng mga awtoridad ang isang dating pulis na sinasabing nanlaban sa gitna ng drug buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila.

Nangyari ang operasyon ng District Anti-Illegal Drugs Group sa bahay ng suspek na si Antonio Capuli sa A. Cristobal Street.

Nauna umanong magpaputok ng baril si Capuli nang matunugang pulis ang pinagbentahan niya ng droga.

Dead-on-the-spot ang suspek matapos gantihan ng putok ng mga pulis.

Narekober sa crime scene ang walong pakete ng shabu, mga drug paraphernalia at isang kalibre .38 na revolver.

Sinasabing kasamahan ng suspek ang isa pang hinhinalang drug pusher na naaresto sa lungsod kamakailan.

DZMM TeleRadyo, 28 Hulyo 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.