Bangkay ng Egyptian nakita sa kalsada sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2016 09:25 AM

Watch also in iWantTFC

Natagpuang patay ang isang Egyptian national sa isang kalsada malapit sa kanyang bahay sa Antipolo.

May tama ng saksak sa leeg ang biktimang si Edward Hanem, 68 anyos at residente ng Cristimar Village sa nasabing lungsod.

Narekober sa crime scene sa Onyx Lane ang isang duguan kutsilyong hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Palaisipan sa pulisya ang motibo sa pagpatay. Nanawagan sila sa mga testigo na ipagbigay-alam ang kanilang nalalaman ukol sa krimen. -- Ronilo Dagos, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.