Ama hinalay ang sariling anak, kalaboso

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2016 10:09 AM

Watch also in iWantTFC

QUEZON - Kulong ang bagsak ng isang 43-anyos ama sa Mulanay, Quezon matapos ireklamo ng panggagahasa ng sariling anak.

Ayon sa biktima na si "Paula", naglilinis siya ng kuko ng sabihan ng ama na pumasok muna sa kwarto. Doon na pinagsamantalahan ang dalagita.

Nagsumbong naman sa kanyang ina ang dalagita at tumungo ang dalawa sa himpilan ng pulis para magreklamo.

Sa salaysay ng biktima, una siyang pinagsamantalahan ng sariling ama may 4 na buwan na ang nakakaraan habang sila ay nasa gubat at nangunguha ng kahoy na panggatong.

Hindi siya nagsumbong noon dahil sa takot sa pagbabanta ng sariling ama.

Umabot na umano sa sukdulan ang kanyang galit kaya nagawa nitong magsumbong sa sariling ina.

Kaagad namang dinakip ang ama ng mga pulis at ngayon ay nakakulong na.

Johhny Glorioso, radio DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.