11 timbog sa cybersex den sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2016 09:47 AM

Watch also in iWantTFC

Inaresto ang 11 lalaki mula sa isang cybersex den sa Aliaga, Nueva Ecija, Miyerkules ng gabi.

Naaktuhan umano ang mga suspek na gumagamit ng marijuana at nakikipag-sex chat sa mga dayuhang parokyano.

Nagpapanggap din umanong mga babae ang mga suspek gamit ang mga pekeng Facebook profile at pornographic video.

Panoorin dito ang buong ulat ni Maan Macapagal ng ABS-CBN News.

Umagang Kay Ganda, 28 Hulyo 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.