TINGNAN: Sinkhole sa Benguet, mas lumala

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2016 08:18 AM

Watch also in iWantTFC

Mas lumala pa ang sitwasyon sa paligid ng sinkhole sa Barangay Virac sa Itogon, Benguet.

Oktubre 2015 nang gumuho ang ilang bahay sa lugar dahil sa sinkhole.

Ngayon, iilan na lang ang natitirang residente dahil lumaki pa ang mga bitak sa kalsada at mga bahay simula nang mag-uulan ngayong taon.

Patuloy rin ang pagguho ng lupa at mga bato sa lugar.

Nasa P3 milyon ang inilibas na pondo ng Sangguniang Panlalawigan para sa paggawa ng riprap.

Target na matapos ang proyekto sa loob ng tatlong buwan.

Umagang Kay Ganda, 27 Hulyo 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.