PatrolPH

Cabuyao City magpapamigay ng 5 kilong bigas sa mga magpapabakuna

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2022 07:16 AM

Watch more News on iWantTFC

Ikinasa ng Cabuyao City government ang programang maghihikayat sa mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19 ngayong dumarami na naman ang kaso sa lungsod.

Sa ilalim ng "Mamamayang Bakunado, Bigas Ang Premyo" program, target ng LGU na mabigyan ng booster ang 50 percent ng mga residente ng Cabuyao City ngayong buwan.

Limang kilong bigas ang tatanggapin na premyo ng bawat residenteng magpapabakuna.

Naglaan ang Cabuyao LGU nang P100 milyon para sa bigas na ipamimigay sa mga bakunadong residente.

Ayon kay Cabuyao Mayor Dennis Hain, bagama't nasa 90-98 percent na ang mga taga-Cabuyao ang may bakuna, maliit pa ang bilang ng nagpa-booster shot na nasa 25 percent pa lamang ng 300,000 target na populasyon.—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.