Pagpaparami ng 'mosquitofish' na pangontra sa dengue, isinusulong

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 01:21 AM

Watch also in iWantTFC

ZAMBOANGA CITY—Isinusulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang muling pagpaparami ng "mosquitofish" o itar sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Unang dumating ang itar sa bansa noong World War II bitbit ng mga Amerikano na namahagi ng semilya ng isda bilang panlaban sa malaria.

Paliwanag ng BFAR, epektibong biological control agent ang isda na kayang kumain ng isang gramo ng kiti-kiti sa loob lamang ng ilang oras.

Puwede itong ilagay sa breeding sites ng lamok na nagdadala ng dengue virus at kaya nitong mabuhay sa malinis o maduming tubig kaya puwede ito sa mga kanal o estero na madalas pinamumugaran ng mga itlog ng lamok.—Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.