PatrolPH

Dredging sa Marikina River nakatulong para maiwasan ang baha: LGU

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2021 07:41 PM

Watch more on iWantTFC

Nabawasan na ang mga pamilyang nasa mga evacuation center sa Marikina City matapos bumalik sa normal ang lebel ng tubig sa Marikina City noong gabi ng Sabado. Itinaas naman nitong madaling araw ng Linggo ang first alarm dahil tumaas ulit sa 15 metro ang tubig sa ilog. Ayon naman sa pamahalaang lungsod, malaking bagay ang dredging activities sa Marikina River kaya naiwasan ang baha. Nagpa-Patrol, Bianca Dava. TV Patrol, Linggo, 25 Hulyo 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.