Kagawaran para sa sakuna, aprub sa DOST

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2017 01:06 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address nitong Lunes, Hulyo 24, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng kagawarang tututok sa paghahanda at pagresponde sa sakuna. Ayon kay Undersecretary Renato Solidum ng Department of Science and Technology, mapapadali ng bubuuing kagawaran ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya ng gobyerno para mas maihanda ang publiko sa mga kalamidad. Nagpa-Patrol, Jacque Manabat. TV Patrol, Martes, Hulyo 25, 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.