Isko nais ipasuspinde ang Baclaran-Divisoria jeeps dahil sa 'cutting trip'

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 11:17 AM | Updated as of Jul 24 2019 11:26 AM

Watch also in iWantTFC

Balak ni Manila Mayor Isko Moreno na ipetisyon ang pagpapasuspinde sa mga jeep na may rutang Baclaran-Divisoria dahil sa mga reklamo ng "cutting trip."

Naglalakad aniya ng nasa 1 kilometro ang mga pasahero kapag hindi kinukumpleto ng mga driver ang kanilang ruta at sa halip ay tumitigil sa Juan Luna Street, sabi ni Moreno, Miyerkoles.
 
"Noong araw, hindi ko sila masisisi. Iyung daan kasi, sarado ang Juan Luna. It has been 23, 24 days na bakante ang Juan Luna at nadadaanan," sabi ng alkalde sa panayam ng DZMM.

"Ang weird naman kasi, binayaran ka ng 'etneb' (P20) tapos ang hatid sa'yo 'posam' (P10). Unfair naman talaga," dagdag niya.

Sakaling masuspinde ang naturang ruta, titingnan aniya ng lokal na pamahalaan kung maaaring ihatid ng mga bus ang mga maaapektuhang pasahero.

"Makikisuyo lang ho at kaunting patawad, magkakaroon tayo ng kaunting sakripisyo... Ang puno't dulo naman po n'yan, iyung mga 2 araw, 3 araw na suspendido sila e habambuhay naman pong secure sa masamang habit," ani Moreno.

DZMM, Hulyo 24, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.