PANOORIN: Banda ng PNP, inawit ang theme song ng 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2017 04:19 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inawit ng mga miyembro ng banda ng Philippine National Police ang theme song ng teleseryeng "Ang Probinsyano" Lunes sa programa ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Road, Quezon City, bago ang taunang State of the Nation Address. 

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga aktor na sina Bayani Agbayani at Cesar Montano, na siya ring pinuno ng Tourism Promotions Board.

Nakatakdang magbigay si Duterte ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) Lunes ng hapon.