PatrolPH

Repatriation command center inilunsad para sa distressed OFWs

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2022 01:57 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Inilunsad ng Department of Migrant Workers ang isang programa para matulungan ang mga distressed overseas Filipino worker na mapauwi sa bansa.

Sa pamamagitan ng "One Repatriation Command Center," mas mapapadali ang proseso ng repatriation, sabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople, Biyernes. 

Maaari ring humingi ng tulong sa command center ang mga kaanak ng distressed OFWs.

"Ang intention namin ay para hindi na kailangan mangutang pa 'yung kamag-anak ng OFW para lang makaluwas ng Maynila," dagdag ni Ople sa panayam ng TeleRadyo. 

Maaaring tumawag sa DMW hotline na 1348 o mag-email sa repat@dmw.gov.ph.

Ani Ople, nasa 186 na ang pumunta sa command center para humingi ng tulong. Nakatanggap naman sila ng 138 na tawag at 84 na emails simula nang ilunsad ang program. 

Karamihan sa mga distressed OFW ay galing sa Middle East, gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, Oman at Qatar.

Kalimitan sa mga dahilan nila ay hindi makatarungang trato sa trabaho, pagkaantala ng suweldo at pagmamaltrato.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.