Day 4-6 ng dengue pinakadelikado - eksperto

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 10:03 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hinimok ng isang eksperto ang publiko ngayong Lunes na paigtingin ang pagbabantay sa mga pasyenteng may dengue pagsapit ng ika-4 hanggang ika-6 na araw ng kanilang pagkakasakit.

Paliwanang ni dating health undersecretary Susan Mercado, nagkakalagnat ang mga dengue patient sa una hanggang pangatlong araw ng pagkakasakit, samantalang lumabas ang rashes sa pangatlo ang pang-apat na araw.

Bumababa naman aniya ang platelat at maaaring magkaroon ng pagdurugo pagdating ng ika-4 hanggang ika-6 na araw.

"Iyan ang panahon na delikado. Ang alam natin sa dengue, sa mga day 4, 5, 6 doon iyong talagang sobrang dami ng virus, nanganak nang nanganak sa loob ng katawan," ani Mercado sa panayam ng DZMM.

Kailangang siguraduhing hydrated ang mga dengue patient sa pamamagitan ng madalas na pagpapainom ng tubig at pagbibigay ng masabaw na pagkain, dagdag ni Mercado, na ngayo'y Deputy Secretary General ng Centers for Health ng Red Cross.

Panoorin dito ang buong panayam sa doktora.

DZMM, Hulyo 22 , 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.