Home > News 700 doses ng J&J, nakalaang iturok sa seniors sa Caloocan ABS-CBN News Posted at Jul 21 2021 09:54 AM | Updated as of Jul 21 2021 10:21 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Matumal pa ang dating ng mga senior citizen sa covered court ng Barangay 152 sa Caloocan City ngayong Miyerkoles kung saan nakatakdang iturok sa kanila ang 700 doses ng bakunang Johnson & Johnson. Tanging para sa senior citizens ang pila ngayon araw sa nasabing barangay at sa iba pang mga vaccination site sa lungsod dahil ang J&J ay nakalaang gamitin para lamang sa A2 category. Ang nasabing bakuna ay isang dose lamang kaya hindi na kailangan pang bumalik muli ng mga mababakunahang seniors. Pero nagkaroon pa rin ng kalituhan dahil maraming hindi senior ang pumunta sa covered court dahil gusto na nilang magpabakuna. Samantala, natanggap na ng lungsod ang unang batch ng 7,200 na AstraZeneca vaccines na kanilang binila. Bahagi ito ng 600,000 na kanilang binili at inaasahan na sunod-sunod ang dating nito. - TeleRadyo 21 Hulyo 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Caloocan City Vaccination program, Johnson & Johnson vaccine, A2 category, COVID-19, Coronavirus, TeleRadyo Read More: Caloocan City Vaccination program Johnson & Johnson vaccine A2 category COVID-19 Coronavirus TeleRadyo