P6-M shabu, nasabat sa isang Tsino sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2016 11:21 PM

Watch also in iWantTFC

Nakuha mula sa isang Chinese ang mahigit apat na kilo ng hinihinalang shabu sa Mactan Cebu International Airport, Miyerkules ng umaga. Galing Hong Kong ang suspek nang maghinala ang airport personnel sa kakaibang laman ng kaniyang bagahe na idinaan sa X-ray machine. Sa kwenta ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa P6 miyon ang halaga ng shabu na dala ng suspek. Inaalam pa ng PDEA kung sino ang contact person ng suspek sa Pilipinas. Nagpa-Patrol, Carine Asutilla. TV Patrol, Miyerkules, Hulyo 20, 2016.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.