60 matansero nagpa-drug test sa Imus

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2016 08:02 AM

Watch also in iWantTFC

Sumailalim sa mandatory drug testing ang 60 matansero o mga magkakatay ng baboy at baka sa Imus, Cavite nitong Martes.

Sakaling magpositibo sa paggamit ng droga, dadaan sa rehabilitation program ang mga matansero.

Pero aminado ang lokal na pamahalaan na kulang ang kanilang mga pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga lulong sa bawal na gamot.

Alamin ang iba pang detalye ng kampanya ng Imus kontra droga sa ulat na ito ni Ernie Manio ng ABS-CBN News.

- Umagang Kay Ganda, 20 Hulyo 2016