PatrolPH

Ika-3 vaccination site ng San Juan City binuksan na

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2021 02:53 PM

Watch more on iWantTFC

Binuksan na ngayong Lunes ang ikatlong coronavirus disease (COVID-19) vaccination site sa San Juan City habang sinusubukan ng lungsod na mabakunahan ng ikalawang dose ang 70 porsiyento ng kanilang populasyon sa susunod na buwan. 

Kaya ng bagong vaccine site na magbakuna ng 1,000 katao kada araw. 

Pinangunahan ni San Juna City Mayor Francis Zamora ang pagbubukas ng vaccination center sa ika-3 palapag ng events place ng VMall sa Greenhills Shopping Center. 

Dagdag ito sa vaccination center sa FilOil Flying V Centre at Theatre Mall Cinema 1 and 2. 

Umaasa ang pamahalaang lungsod na mapalalakas ang daily vaccination rate sa 5,000. 

Ayon kay Zamora, kabilang ang pagdaragdag ng vaccination site sa istratehiya para makakumpleto ng bakuna ang 70 porsiyento ng populasyon na nakakuha na ng first dose sa katapusan ng Agosto. 


-- Teleradyo, 19 Hulyo 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.