Mga aktibista nagprotesta sa Mendiola bago ang SONA

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 01:08 PM | Updated as of Jul 15 2019 03:34 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Kahit maulan, sumugod sa Mendiola ang ilang militanteng grupo upang iprotesta ang anila'y mga kontra mahihirap na polisiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa kanilang mga ipinoprotesta ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion law at ang Electric Power Industry Reform Act, na anila'y lalong nagpapabigat sa gastusin ng mga mahihirap. 

Bitbit ang mga plakard, iginiit din ng mga demonstrador sa kanilang pagkampo sa Mediola ang pagtigil sa kontraktuwalisasyon, pagtaas ng sahod, pagbaba ng singil sa kuryente at pagtangkilik sa renewable energy. 

Bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes, gusto sana ng mga militanteng grupo na makadayalogo si Duterte upang personal na maiparating sa kanya ang kanilang mga hinaing.--ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News