Charity fund ng PCSO, nanganganib na maubos: COA

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 02:45 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagbabala ang Commission on Audit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa posibleng pagkaubos ng kanilang charity fund. Batay sa COA report, halos P6 bilyon ang nagastos ng ahensiya na wala naman kinalaman sa charity programs. Habang higit P4 bilyong kita naman ang nawala sa PCSO dahil sa online lottery. Pero depensa ng PCSO, patuloy na umaangat ang kanilang kita kaya imposible na maubusan sila ng pondo. I-Bandila mo, Bettina Magsaysay. - Bandila, Miyerkoles, 18 Hulyo, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.