Video ng 'hazing' sa Tagum, iniiimbestigahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2016 12:00 PM

Watch also in iWantTFC

Sinusuri ng pamunuan ng isang unibersidad sa Tagum City ang video na kumalat sa social media, kung saan makikita ang pananakit sa isang lalaking naka-uniporme ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC).

Mapapanood sa video na makailang beses na pinalo sa dibdib ng isang lalaking naka-sando ang biktima hanggang bumagsak ito.

Makikita rin ang pananakit sa iba pang hinihinalang miyembro ng ROTC.

Kinumpirma ng administrayon ng University of Mindanao (UM) na sa UM-Tagum City nangyari ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, Oktubre 2015 nangyari ang insidenteng kinasangkutan ng mga criminology student.

Ayon sa may-ari ng paaralan na si Guillermo Torres, haharap sa disciplinary action ang mga responsable.

Kung mapatunayang may sala, mapapatalsik anya sila sa nasabing paaralan.

Naniniwala naman si Col. Lyndon Paniza, commander ng Regional Community Defense Group 11, na maituturing na hazing ang ginawa sa kadete.

- Umagang Kay Ganda, 19 Hulyo 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.